Huwebes, Hulyo 25, 2013

UNANG YUGTO - KABANATA 1 (First Medal Ever!)

Sa gymnasium ng Rizal High School…
GURO: Sa Ika-apat na taon…
              First Place….ang nagwagi ay si…
              Maria Narcisa Lorenzo, ng IV-18 Isaiah!
Nagpalakpakan ang mga manonood…nagsigawan sa tuwa ang mga estudyante ng IV-Isaiah, samantalang si Narcisa, 'di makapaniwala…
“Woooh! Cisa, ikaw na!” – ani ni Cedrick, (IV-Isaiah Student), “oy,” tatapikin si Narcisa, “manlibre ka ah,”
“Cisa, congrats!” sabi ni Nelia, (IV-Isaiah Student)
“Teka, teka…ako ba 'yung tinawag?”, tanong ni Narcisa na tila naguguluhan ang isip.
Ay…si Narcisa, gusto paulit-ulit ha…ayyyi…magkaka-award na!
“Hay naku,” ani ni Paulo (IV-Isaiah Student), tatapikin si Narcisa, “Dali! Pumunta ka na sa stage!”
“Tayo na, pumunta ka na do'n!” sabi ng iba pang mga kaklase.
Tumayo si Narcisa, at napakamot sa ulo. Lalong lumakas ang sigawan at palakpakan ng IV-Isaiah, at sumisigaw ng…
“Narcisa, Narcisa..” – paulit-ulit, sabay palakpak…para bagang mayroong cheer dance competition.
Bumaba na si Narcisa, naglakad patungong stage. Naroroon ang guro niya sa Filipino IV, na may hawak na medalya, naghihintay kay Narcisa na isabit ang hawak niyang medalya.

Heto na ang moment

Nasa entablado na si Narcisa. Isinabit na ng guro ang hawak niyang medalya kay Narcisa…nagpalakpakan ang mga manonoood, pati ang ilang mga guro. Samantala, ang mga estudyante ng IV-Isaiah, halos nagtayuan na….patuloy pa rin sa pagpapalakpak at pagsigaw nila…
“Woooooh! Cisa, ikaw na!” – bulyaw ni Lianne (IV-Isaiah Student)
“Narcisa, balato mamaya ah!” , sigaw ni Cedrick, “Balato! Balato!”
Lahat ng estudyante ng IV-Isaiah ay nahawa na kay Cedrick, kaya…

“Balato! Balato! Balato!”

Si Narsica, napangiti na lang, kumaway-kaway sa madla…
“Anong balato?!”,  sabi ni Narcisa sa sarili.
Ang mga estudyante ng IV-Isaiah, hindi pa rin magkamayaw…

--------------------------

Sa klase…
Sa kasagsagan ng nalalapit na pagtatapos ng asignaturang Araling Panlipunan IV:
GNG. TERESITA ESMELI: Bukas, maghanda kayo ha, tse-tsekin ko yung mga notebook niyo…
IV-ISAIAH: Opo Ma'am.
GNG. ESMELI: Yung mga walang assignments diyan ah… (NILILIGPIT ANG MGA GAMIT NIYA), Oh, pwede na kayong lumabas (TATAYO)
IV-ISAIAH: (TATAYO ANG ILANG ESTUDYANTE) Goodbye and thank you Ma'am Esmeli, (LALABAS NG SILID-ARALAN SI GNG. ESMELI, TATAYO ANG ILAN PANG ESTUDYANTE)
Lalabas ang ilang estudyante ng IV-Isaiah.
CEDRICK: (TATAYO MULA SA KANYANG KINAUUPUAN, SISIGAW) Hoy! Yung mga cleaners ngayon!
Dali-daling lumabas si Cedrick sa silid-aralan…animo'y may hahabulin sa labas. Lalapitan ang isang lalaking kamag-aral niya (KEVIN)…na tatakas sa paglinis ng klasrum.
CEDRICK: (HAHAWAKAN ANG BRASO NI KEVIN) Hoy! Tatakas ka pa?! Maglinis ka do'n…tatlong araw ka nang hindi nakakapaglinis ah!
KEVIN: (IV-Isaiah student) Eh, may gagawin pa ako sa bahay eh!
CEDRICK: (MAPAPAKAMOT NG ULO) Ano ba naman oh… (KAKALADKARIN NIYA Si KEVIN) Dali! Maglinis ka!
Samantala sa loob ng silid-aralan, naroroon ang mga naglilinis ng silid-aralan sa itinakdang araw. May mga nagwawalis (NELIA at LIANNE), nililinis ang pisara (NARCISA), at may nagsasara ng mga bintana (CARLO).
CARLO: Cisa, ayos ah…itinayo mo ang bandera ng IV-Isaiah! Woooooh!
NARCISA: Nge! Naka-tsamba lang kaya ako…hindi ko nga ine-expect (NAGPAPATULOY NA PAGBUBURA NG MGA NAKASULAT SA PISARA)
NELIA: (MAGWAWALIS SA MAY BANDANG GILID NG SILID-ARALAN) Mahirap yung test?
NARCISA: Hmmm….yung iba mahirap, yung iba, nakalimutan ko kung ano yung  tamang sagot…may ilan na madali, (HIHINTO SA PAGBUBURA SA PISARA, HAHARAP), stock knowledge…tapos may mga hinulaan pa nga ako doon eh. (MAGPAPATULOY SA PAGBUBURA SA PISARA)
Papasok sina Cedrick at Kevin.
CEDRICK: Oy, magbunot ka, Kevin,
KEVIN: Oo na, oo na… (ILALAPAG ANG KANYANG BAG SA SILYA, KUKUHA NG BUNOT)
Samantalang mag-aayos ng upuan si Cedrick.
CEDRICK: Narcisa, ilan ba yung nakuha mong score sa Tagisan ng Talino? Hindi ko natanong sa 'yo noong matapos ang final test sa Tagisan ng Talino kasi bigla ka na lang nawala eh,
Mapapatigil sa pagbubura sa pisara si Narcisa at haharap kay Cedrick.
“Ahhhhm…yung score ko ba kamo?” ---Narinig na nga ni Narcisa, nagtanong pa…para bagang…nag-aalangan siyang sabihin ang kanyang nakuhang marka sa final round ng Tagisan ng Talino sa Filipino IV.

Bakit kaya? Malamang…

LIANNE: (KUKUHA NG DUST PAN, BIGLANG SASABAT) 50! PERPEK ISKOR! Ha! Ha! Ha! Ha!  Malamang sa malamang!
NARCISA: Wow naman! Ang talino ko na no'n! Eh 'di sana hindi ako section 18 kung gano'n…
CARLO: (NATAPOS NA SA PAGSASARA NG BINTANA) Weh?... Ha! Ha! Ha! Cisa, dali…anong score mo?

Saglit na tatahimik ang lahat…

Maya-maya:

“15 lang” sagot ni Narcisa na may pagmamalaki ---ay, kaya naman pala nag-aalangan siyang sabihin ang kanyang markang nakuha sa pagsusulit, ngunit tila balewala lang sa kanya 'yun dahil sa kanyang boses sa pagsagot na may pagmamalaki pa…ipagpapatuloy niya ang pagbubura sa mga nakasulat sa pisara.
“Ha?!” , nagulat sina Cedrick, Carlo, Lianne, Nelia at Kevin…sa bagay, 15 lang out of 50 items ang nakuhang marka ni Narcisa sa pagsusuit, siya pa ang itinanghal na nagwagi sa Tagisan ng Talino sa Filipino sa Ika-apat na taon, kaya hindi kataka-takang nagulat ang lima…gayong karaniwan na nakukuhang marka sa paligsahan ay mataas pa sa 15…
“One, Five?! Fifteen?!” paniniguro pa ni Kevin.
NARCISA: Oo, 15 lng ang nakuha ko…pero hindi ko nga inaasahan na ako pa ang 1st Place.
CEDRICK: Ay, biruin mo naman ang opportunity oh…wow ah! Sabi ko sa 'yo eh, nakaya mo oh! Eh kung tinuloy mong umatras sa final round, hindi mo makukuha yung 1st place, sayang opportunity…sayang din ang dadag grade sa card!
NELIA: Believe it or not ha, naka-15, siya pa ang nagka-award…
KEVIN: Ha! Ha! Ha! Halatang hindi nag-review ah, pero nakatanggap ng award. Naks naman!
Natapos na si Narcisa sa pagbubura ng mga nakasulat sa pisara, uupo sa upuang pang-guro.
“Haaaay…”, buntong hininga ni Narcisa, “Tapos na kayo sa Term Paper?”
KEVIN: Ay, 'di pa…
LIANNE: Wala pa akong naisip na topic eh,
“Eh, hindi ako gagawa nu'n…”, pag-iiritang sabi ni Carlo “Daming pinapa-project ni Ma'am Yabut ah,”
“Ha! Ha! Ha! Ha! Sa bagay Carlo”, sang-ayon ni Cedrick, “Pero ako gagawa ng Term Paper. Oy Carlo, gumawa ka, wala kang grade sige ka…”
“Eh, basta…ayoko” –iyon na lang ang sinagot ni Carlo.
NARCISA: (MAPAPAKAMOT SA ULO) Ang daming gagawin…
CEDRICK: Ooooops! (MAGBIBIRO) Yung batalo mo pala sa amin?
LIANNE: Ay, oo nga! Akala mo makakalimutan naming ah! Libre ka naman! Ha! Ha! Ha!
NELIA: Wahahaha! Dali na!
NARCISA: Mga loko…(TATAWA NG BAHAGYA) Wala na na'kong pera…

--------------------------

Dumating si Narcisa sa tinutuluyan niyang malaking bahay sa Brgy. San Joaquin (Pasig City)…maaga siyang umuwi…sumalubong sa kanya ang tumatayong ina na si Yolanda sa tarangkahan (GATE).
(Si Yolanda ang may-ari ng tirahan na tinutuluyan ni Narcisa)
YOLANDA: (BUBUKSAN ANG TARANGKAHAN) Oh, Cisa..kumusta 'skwela?
NARCISA: (NGITING ABOT TAINGA) Ayos na ayos naman po. (PAPASOK SA TARANGKAHAN)
YOLANDA: (SUSUNDAN NG TINGIN SI NARCISA, NGINGITI NANG BAHAGYA) Oh, Cisa…ano na naman ang nangyari sa 'yo at tila'y…maganda ang iyong araw ha? Eh kahapon lang eh…halos sumayad na ang nguso mo sa lupa dahil sa palighasang sinalihan mo…tapos pinoproblema mo yang term paper mo kahapon ah…
Haharap si Narcisa kay Yolanda na nakangiti pa rin…
YOLANDA: Oh, kumusta pala yung sinalihan mong paligsahan sa eskwelahan? Nanalo ka ba?
Sisimangot bigla si Narcisa…
YOLANDA: Hoy…Cisa! Bigla kang sumimangot diyan?!...ano?
NARCISA: Hmmm… (MALUNGKOT PA RIN)
YOLANDA: Oh, ano?...hay naku, ganyan lang sa una iyan…marami pa namang pagkakataon.
NARCISA: Kasi po…
Nananatiling nakapako ang tingin ni Yolanda kay Narcisa na nalulungkot din…tapos…biglang…
“Mamsi, 1st Place ako! Ahhhh!”, pagtili ni Narcisa, tumili din bigla si Yolanda dahil sa galak, at niyakap nila ang isa't isa.
“Ay…ay! Mabuti naman iha!”, ani ni Yolanda, papakawalan ng yakap si Narcisa, “Matutuwa si Kuya Mactan mo!” pinisil-pisil niya ang magkabilang pisngi ni Narcisa.
“He! He! Mamsi naman, 'di ko naman inaasahan na ako ang tatanghaling 1st place eh…”
Hahawakan ni Yolanda ang magkabilang balikat ni Narcisa, “Expect the Unexpected, ika nga eh…may itinatago kang talino ah,”, sabi niya, “Isang blessing 'yan mula kay Lord!”
“Naku, salamat po Mamsi ah…kay Lord na rin siyempre”, nakakatuwang sabi ni Narcisa.
“Ah, he! He! He! Ikaw talaga iha ah,” bibitawan na ni Yolanda ang mga balikat ni Narcisa. “Oh, hala, magbihis ka na, matuyuan ka pa ng pawis eh, lagot ka na naman sa kuya mo…” pahabol pa ni Yolanda.
“Ah, o sige po Mamsi*…” –tutungo na sa loob ng bahay si Narcisa, isasara naman ni Yolanda ang tarangkahan ng kanyang tirahan.
*MAMSI: ang tawag ni Narcisa sa mabuti at mapagmahal na si Yolanda…gano'n din ang tawag ni Maurice, na nag-iisang anak ni Yolanda…iyon na ang nakasanayang tawag ni Narcisa sa kanyang tumatayong ikalawang ina iyon din ang kagustuhan ni Yolanda na “Mamsi” ang itawag niya sa kanya...
Nakaramdam ng gutom si Narcisa: “Tsk! Kakakain ko lang ng miryenda sa school…kain na naman,” pagmamaktol ni Narcisa na napakamot sa ulo.
Kaya naman…dumeretso siya sa kusina. Binuksan niya ang pridyider, kumuha siya ng pagkain…hala…sige…hanap-pagkain…kahit ano basta pagkain…ah! Ayun! Biscottcho ang kinuha niya…tapos kumuha siya ng panulak nang 'di mabilaukan: pitsel na may lamang orange juice.
Pumunta siya sa hapag-kainan at inilagay ang Biscottcho at pitsel sa mesa, kumuha siya ng baso…at bumalik…inilagay niya ang kanyang bag sa isa pang upuan at umupo siya…naglagay siya ng kalahating orange juice sa kanyang baso…kumain siya, maya't maya iinom…
Kinuha niya ang kanyang medalya sa kanyang bag. Pinagmasdan niya ito, sa harapan ng medalya (SA ITAAS NA BAHAGI) nakasulat ang “1st Place”, at sa ibabang bahagi naman ay “TAGISAN NG TALINO SA FILIPINO IV”, sa likod naman ng medalyon ay nakasulat ang kanyang buong pangalan.
Maaalala niya ang mga pangyayaring ito:

Matapos ang Ikatlong Markahang Pagsusulit, binanggit ni Gng. Largo (GURO NG IV-ISAIAH SA FILIPINO at SIYANG NAGSABIT NG MEDALYA KAY NARCISA) ang mga “Top 3” na nakakuha ng mga matataas na marka sa nasabing pagsusulit.
“Ok, class…”, ani ni Gng. Largo na nakatayo, may hawak na papel sa kanang kamay, “Babanggitin ko ang tatlong estudyante na nakakuha ng mga matataas na marka sa 3rd Periodical Test sa Filipino…”
Nag-side comments ang mga IV-Isaiah hinggil sa sasabihin ng guro.
“Oh, shhhhh! Tahimik na…”, kalmadong saway ni Gng. Largo, tumahimik ang mga estudyante, “Makinig ha,”
Titingin si Gng. Largo sa hawak niyang papel at babasahin ang tatlong pangalan ng estudyante na kanyang tinutukoy…
“Clasira Riego…” pambungad ni Gng. Largo…

IV-ISAIAH (maliban kay Clarisa): (SIDE COMMENTS/BAHAGYANG HIYAW AT BAHAGYANG PAPALAKPAK)
Mapapakamot ng ulo si Clarisa, kalauna'y nasiyahan sa kanyang naging resulta sa pagsusulit…
“Cedrick Magpantay…” ikalawang tawag ni Gng. Largo…
IV-ISAIAH (maliban kay Cedrick): (SIDE COMMENTS/HIYAW: LIGHT TO MODERATE/BAHAGYANG PAPALAKPAK)
Si Cedrick, determinadong determinado…masaya siya…
“at si…Maria Narcisa Lorenzo”, masiglang pagbanggit ni Gng. Largo…
IV-ISAIAH (maliban kay Narcisa): (SIDE COMMENTS/TODONG HIYAWAN at MASIGABONG PALAKPAKAN)

Wow! Ang daming supporters

Nanlaki ang mga mata ni Narcisa…hindi dahil sa isa siya sa mga nakakuha ng highest score sa test…kundi sa mga kaklase niyang todo kung magsuporta sa kanya…na akalain na siya'y lalaban sa isang paligsahan…nagbuntong hininga na lang siya.
Mapapangiti nang bahagya si Narcisa…nananatiling tahimik (gayong isa siya sa mga medyo maingay sa klase…dahil nga aktibo ito), nagtataka siya hindi dahil sa kanyang mataas na marka sa pagsusulit…may kutob ito na tila susubok sa kanyang kakayahan…ah este…sa kakayahan nilang tatlo…
“Class…” –muling nagsalita si Gng. Largo. Tumahimik ang IV-Isaiah, at muli siyang magpapatuloy: “Riego…Magpantay…at Lorenzo, isasali ko kayo sa darating na paligsahan, ang Tagisan ng Talino sa Filipino IV, na gaganapin bukas, alas-tres ng hapon sa RH Building, room ng II-27.”
Si Cedrick, 'di maipinta ang tuwa…si Clarisa, parang wala lang…dedma kung baga…
Oh, tama ang kutob ni Narcisa! Kabilang siya sa sasali sa patimpalak…
“Ano? Kaming tatlo? Sa Tagisan ng Talino?....haaay!...sabi ko na nga ba!” –ani ni Narcisa sa kanyang isipan, sa itsursa niya, para siyang nakakita ng multo.
Lalong 'di magkamayaw ang ilang estudyante…unti-unting mag-iingay ang mga ito…
“Kayong tatlo ang magiging representative ng section niyo sa Preliminary Round ng pagsusulit para sa Tagisan ng Talino.” Dagdag pa ni Gng. Largo.
CEDRICK: (TATAWAGIN SI NARCISA) Cisa, Cisa…
Lilingon si Narcisa,
CEDRICK: (MAGSESENYAS NG THUMBS UP, NGUMITI) Push natin 'to, till the end!
NARCISA: (PAKUNWA'Y TATAWA) He, he, he!...sige, sige…KAYO NA LANG…
Biglang eeksena si Clarisa kina Narcisa at Cedrick:
CLARISA: Woooh! Good job tayo!
Makikipag-apir si Clarisa kina Cedrick at Narcisa…
“Haaaayyy…” –buntong hininga ni Narcisa at napatungo ito.
Ito naming si Michael na naka-hanay sa likod ni Narcisa sa likuran ay yuyugyugin ang upuan ni Narcisa,
“Uy, do your best ha…woooh!” ititigil ni Michael ang pagyugyog ng inuupuan ni Narcisa…
Si Narcia, nananatiling nakatungo…
“Taray ni Cisa…ha! Ha! Ha!...anyways…itayo ang bandera ng IV-Isaiah!” –eksena ni Nelia…
Patuloy pa rin ang pag-side comments ng mga estudyanteng ito…

Kinabukasan ng hapon, patungo sina Cedrick, Clarisa, at Narcisa sa RIZAL HALL (RH) Building para sumali sa Tagisan ng Talino. Si Narcisa…tila isang “bihag”: mahigpit na hinawakan ni Clarisa ang kanag kamay ni Narcisa, nasa kaliwang kamay naman ni Narcisa si Cedrick habang naglalakad silang tatlo…nagbabanta kasing tumakas si Narcisa dahil ayaw niyang sumali sa patimpalak—nag-aalangan kasi na mababalewala lang ang pagsali niya kapag natalo siya.
“Hoy! Sinabi nang ayoko eh!” daing ni Narcisa, pilit niyang kumawala kina Cedrick at Clarisa dahil hawak nila ang kamay nito…pero, “wa epek”.
“Ay, hindi, sasali ka sabi eh…” ani ni Clarisa na tila nahihirapan na sa pagkapit ng kamay ni Narcisa dahil napakalikot nito…”May dagdag grade ka sa card,”
“Kapag 'di ka sumali, magsisisi ka, sige…”, panakot ni Cedrick.
“Eh pa'no kapag natalo ako? Eh 'di balewala lang…at isa pa…”
Biglang sasabat si Cedrick: “ Si Gabriela Silang ba, sumuko sa laban? Si Rizal? Si Bonifacio? Sumuko ba sila?! Idol mo sila diba? Makabayan ka…a tapang a tao! Kaya… Go! Go! Go! Sige na!”
Hihinto si Narcisa sa paglalakad, gayundin sina Cedric (na hawak pa rin niya ang kaliwang kamay ni Narcisa) at Clarisa (na hawak pa rin niya ang kanang kamay ni Narcisa).
---sa mga huling sinabi ni Cedrick…waaaah! Mga iniidolong bayani ni Narcisa 'yun ah…kung sa bagay, tama nga naman siya…hindi nga sumuko…pero, paligsahan lang yan sa talino ang sasalihan nina Narcisa ---aatras agad? Eh paano kung maulit ang “rebousyon” sa bansa? Aatras pa din?
Napaisip si Narcisa…
Sa totoo lang, wala siyang kasiguraduhan kung matatalo nga siya o mananalo…medyo---mayroon lang siyang “phobia” sa mga ganitong paligsahan/patimpalak…nangangamba siya nab aka wala siyang maisagot kapag hindi “multiple choice” ang pagsusulit malamang mapapakamot siya ng ulo…enumeration/definition… liban na lang kung alam na alam niya ang tamang kasagutan. Ito na rin ang kanyang pagkakataon na makasali siya sa isang paligsahan, maaari siyang makilala ng mga iba pang estudyante't guro, at magkakaroon ng mataas na marka –iyon ay kapag siya ang itinanghal na “1st Place”.
“Bitaw…” ani ni Narcisa na napipilitang sasali sa paligsahan…
CEDRICK: Hindi ka tatakas?
NARCISA: (HAHARAP KAY CEDRICK, BAHAGYANG LUMISIK ANG KANYANG MGA MATA) Ano'ng akala mo sa 'kin? Hindi tumutupad sa usapan?!...haaaay…(TITINGIN SA MALAYO) Bitaw na kasi…
CLARISA: 'Wag kang tatakas ah…
Kapwa binitawan na nina Cedric at Clarisa ang mga kamay ni Narcisa…at si Narcisa, biglang kumaripas ng takbo patungo sa RH Building sung saan gaganapin ang Preliminary Round ng Tagisan ng Talino sa Filipino IV. Tumakbo din ang dalawa…
“Hoy! Teka! Wala namang ganyanan” sigaw ni Clarisa.

“Hintayin mo kami, Cisa! Uy!” – ani ni Cedrick.
--------------------------
At sa kasagsagan ng pagsusulit sa Tagisan ng Talino sa Filipino IV… (Room ng 2nd year, sction 27)…
Halos mga 31 estudyante ang kalahok na naroroon…tahimik na sumasagot sa pagsusulit kabilang na suna Cedrick, Clarisa, at Narcisa
Hindi dikit-dikit ang mga silya, mga tig-li-liamng metro ang layo sa isa't isa upang hindi magkaroon ng anumang dayaan sa pagsusulit. Ang isang guro ay nagbabantay sa mga estudyante na nasa bandang pintuan ng silid-aralan.

Si Narcisa, napapakamot sa ulo maya't maya. Multiple choice ang pagsusulit..pero kahit Multiple choice, may ilang katanungan na nahihirapan siya, at…napipilitang manghula ng sagot…(hoy! Aminin niyo, kapag Multiple choice, nanghuhula din kayo…a…b…c…d…ini…mini…mayni…mo!). Pero karamihan sa mga katanungan ay alam niya…bibilugan agad niya ang letra ng tamang sagot.
Makalipas ng dalawang araw, maaragng pumasok si Narcisa…pagpasok pa lang sa building ng 4th year, may nakapaskil na cartolina sa dingding…tinignang niya iyon…pagkalaki-laking sulat…binasa niya:
TOP 20: Tagisan ng Talino sa Filipino IV (Preliminary Round)
Napabuntong hininga si Narcisa, lumapit pa siya sa nakapaskil at hinanap niya ang kanyang pangalan. Nagturo siya pababa…hanggang huminto ang kanyang hintuturo sa numerong 10: pang-sampu siya! Pang-top 10 sa Top 20! Samantalang nakasama din si Cedrick na pang labing walo at si Clarisa na pang-dalawampu.

“Hala...mapapasama kami sa 2nd round…”, wika ni Narcisa na nag-aalangan pa ring sumali sa Ikalawang laban sa paligsahan…”Haaaay naku! Huhulaan ko, hindi na ako makaka-abot sa finals!” –reklamo pa…
Nang sumunod na araw…
Kasagsagan ng recess, pabalik na si Narcisa sa 4th year building galing sa canteen dala ang kanyang makakain oras na ito.
May mga bagong nakapaskil na naman sa dingding. Lumapit siya sa light blue cartolina…mga Top 13 na mapapasama sa final round ng Tagisan ng Talino!
Una niyang nakita ang pangalan ni Cedrick na nasa ika-anim na pwesto, at si Clarisa naman ay nasa ika-sampu. At…

“Ako yung pang-huli?!”---gulantang ni Narcisa…napahinga siya ng malalim…
Naabutan siya nina Cedrick at Clarisa na may binili ring makakain galing sa canteen.
CEDRICK: Oh, Cisa… (MAPAPATINGIN SA NAKAPASKIL, MAPAPANGITI) Uy! Woooooh! Kasama ako!
CLARISA: Wahahaha! Ako din! (MAKIKITA ANG PANGALAN NI NARCISA) Oh Cisa, kasama ka pa oh…woooh! I-todo na hanggang finals!
CEDRICK: Oo nga (TATAPIKIN SI NARCISA) 'buti sumabit ka pa…'di bale, panghuli ka sa Top…mapapalitan ng 1st sa finals…
NARCISA: (HAHARAP KAY CEDRICK) Muntikan na nga akong malaglag, eh paano pa kaya sa finals? Baka tuluyan na akong mahulog sa bangin!
“Aatras ka?!" –sabay na tanong nina Cedrick at Clarisa na nakapamaywang.
Maya-maya…
“Haaaay…bahala na…” –bunting hininga ni Narcisa at aakyat ng hagdan.
Susundan ng tingin nina Cedrick at Clarisa si Narcisa..at: “ Ano'ng bahala na?!” –dagdag na tanong nila.
Humarap naman ni Narcisa sa dalawa “bahala na kung ano ang sasapitin ko sa final round bukas…nasimulan ko na eh, kaya, dapat tapusin na parang walang abala” ---walang utal na sabi niya.
 Nagkatitigan sina Cedrick at Clarisa, at titignan ulit si Narcisa…
“Ahhh…” –iyon na lamang ang kanilang nasabi habang tumatango-tango…
Kinabukasan ng hapon…kasagsagan ng pagsusulit…
Final Round na! Present lahat ang Top 13.
Si Narcisa, tutok na tutok sa kanyang test paper…seryoso siyang sumasagot sa bawat bilang mapa-Multiple Choice, Enumeration/Definition…waaah! Bahala na…basta, may sagot siya may ilan na determinado siya sa kanyang sagot dahil malamang, alam niya ang sagot sa tanong, may ilan na…hinulaan na lang niya…
Makalipas ang isang oras…
Papalakpak ang isang beses ang guro bilang timbre “Ok, class, 'yung mga tapos na, pwede nang ipasa ang mga papel at pwede nang lumabas…”
Isa-isang nagtayuan ang mga estudyante dala ang sinagutan nilang test paper at inilagay nila sa ibabaw ngesa (na nakataob) sa harapan kung saan naroroon ang naka-upong guro na nagbabantay.
Si Narcisa…
“Naku, Panginoon, kayo na pong bahala sa akin...matalo man ako sa patagisan, tatanggapin ko…” –ani niya sa isipan.
Tumayo na siya at…”pero…sana po, manalo talaga ako” dugtong pa niya. ---ay, binawi oh…
Ipinasa na rin niya sa wakas! Naunahan niya sina Cedrick at Clarisa…
Maaalala niya ang mga ilang sinambit ng kanyang kuya Mactan kamakailan lang…
“natutuwa ako sa iyo…asahan mo na ikaw ang tatanghaling magwawagi sa paligsahan…magtiwala ka sa sarili mo…”

Maaalala din niya ang pagtanggap niya ng parangal bilang 1st Place sa Tagisan ng Talino sa Filipino IV sa gymnasium ng kanilang paaralan.
--------------------------
Nang biglang may bumulalas…
“NAKS NAMAN!”
Muntikan nang mapaduwal si Narcisa sa kanyang iniinom…pagtingin niya sa likod ay si Maurice pala na kararating lang din galing sa paaralang pinapasukan niya (San Joaquin Elementary School).
“Maui naman…” angal ni Narcisa
“Wow naman, ate!” sabik na sabik si Maurice, ibig niyang kunin ang hawak na medalya ni Narcisa “Medal?! Nanalo ka sa Tagisan ng Talino?”
Imbis na “OO” ang isagot ni Narcisa: “1st place ako...” mababa niyang tugon, “hindi ko ine-expect na…”
“Wow!” biglang sabi ni Maurice at yayakapin si Narcisa “congrats! Sabi na nga ba, ikaw ang mananalo eh!”, pakakawalan niya ng yakap si Narcisa.
“Tenk Yu…”, masayang tugon ni Narcisa.
“Patingin naman ng medal mo…” , nagagalak na pakiusap ni Maurice, ipinahiram naman ni Narcisa ang medalyon sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Maurice, lalo pa siyang natuwa…tiningnan niya ang harapan at likurang bahagi ng makintab na medalyon.
May mapapadaan sa kusina:
"Cisa?...Maui?..." --si Mactan ito.
Mapapalingon sina Maurice at Narcisa...
"Kuya," sambit ni Maurice.
Lalapit si Mactan sa dalawa. Ibinigay ni Maurice kay Mactan ang medalyon.
Mapapangiti si Mactan.
"Si ate Cisa nanalo sa competitioooooooon!" --tili ni Maurice.
Nakangiting tiningnan ni Mactan ang medalyon...matagal...hanggang naipako ang kanyang paningin kay Narcisa.
"Hay kuya...akala ko talaga..." ---- hindi na dinugtungan pa ni Narcisa ang kanyang sasabihin, magpapatuloy siya sa pagkain ng miryenda...

UNANG YUGTO - PROLOGUE

Pilit na aabutin ni Maurice ang kanang balikat ni Mactan upang marahang susuntukin..

(MAURICE`S HEIGHT: 4’. MACTAN`S HEIGHT: 5’12”) -- ang laking diperensya… ;))
                                          
“Maui…” –pakiusap ni Mactan, irritable ito.

“Wahahaha!” pagmamatigas na tawa ni Maurice. “Gumanti lang po…” --ngingiti tila abot tainga…ngunit biglang magdidilim ang paningin niya kay Mactan.

Tatawa na lang ng bahagya si Mactan.

“kasi kahapon eh…” –pagmamaktol ni Maurice, tatalikod.

“Ha! Ha! Ha! Ha!” –tumawa na lang si Mactan….

Niyahahaha!...ay, umagang-umaga nga naman…itong dalawang ito: sa simpleng pagtatago ni Mactan ng isang pares ng sapatos ni Maurice sa bodega kahapon, tila wala sa mood itong si Maurice.

Nakakalat kasi ang isang pares ng itim na sapatos niya sa sala kahapon…itong si Maurice, may pagka-burara…nakita ito ni Mactan, at naisipan niyang itago ito kung saan…sa bodega, doon niya naisip na itago.

-----------------------------------

Napatingin si Narcisa sa orasan sa sala habang nagsusuot ng sapatos: ala-6 na ng umaga…narito na naman ang panibagong araw para sa kanya…papasok sa eskwela…takdang-aralin…mga proyekto…

Tumayo si Narcisa, lumiyad ng kaunti…inaantok pa siya…tumungo siya sa hapag-kainan upang kumain ng almusal: gatas at pandesal –nire-request niya iyon araw-araw.

Pero napipilitan lang siyang kumain dahil sa kagustuhan ng kanyang kuya Mactan, dahil kapag hindi siya kumain ng almusal, lagot siya. Hindi kasi sanay kumain ng agahan si Narcisa. Pero kung may gana siyang kumain ng agahan, gatas at pandesal lang ang gusto niya…(ayaw niyang kumain ng kanin`t ulam) , ayos na iyon kay Mactan, basta may laman ang tiyan ng kanyang nakababatang kapatid.

Si Narcisa`y umupo, kumuha ng isang pandesal na nasa supot na nakalagay sa may bandang kaliwa ng mesa at kumain…iinom ng gatas na nakalagay naman sa bandang kanan ng mesa…paulit-ulit niyang ginawa, hanggang sa maka-limang kain na siya ng pandesal.

Kumuha pa ng isang pandesal si Narcisa: pang-anim na `yun. Nangangalahati na ang kanyang gatas sa baso.

May biglang kumuha ng isang pandesal sa supot, nanlaki ang mga mata ni Narcisa habang ngumunguya ng kanyang kinakain…lumingon siya…

Si Mactan pala… -- makikikain rin…nakangiti at kumindat kay Narcisa.

NARCISA: (NO REACTION)

Ibinalik uilt ni Narcisa ang kanyang tingin sa kanyang kinakain.

MACTAN: (NA-DEDMA) -- sayang ang pogi points?

Tatabi si Mactan kay Narcisa, tinitigan niya si Narcisa. “Kahapon ka pa walang kibo.” ani niya “Alam mong kilala kita…ano`ng problema?”  , malumanay niyang tanong, kakainin niya ang pandesal na kanyang kinuha.

Uminom ng gatas si Narcisa, inubos niya iyon, napabuntong-hiniga siya.

“Kuya Mac…” pambungad ni Narcisa.

Mapapa-ungol na lang si Mactan dahil ngumunguya ng kanyang kinakain ngunit nananatiling nakapako ang kanyang paningin kay Narcisa at handing making.

“Sumali po ako sa Tagisan ng Talino sa Filipino” –dugtong ni Narcisa.

Oh, pwede nang magsalita si Mactan:

“Oh, bakit ngayon mo lang sinabi sa `kin?”, pag-aalala niya “Kailan ka sumali? Nanalo ka ba?” uubusin niya ang kanyang kinakaing pandesal na hawak niya.

Haharap si Narcisa sa kapatid, “Noong last week lang po…napasali lang po ako doon kasi kasama ako sa nakakuha ng mataas na score sa 3rd periodical test…tatlo po kami sa klase, kung baga kami yung representative sa section namin.” Tatayo si Mactan at kukuha ng maiinom na tubig sa pridyider, subalit magpapatuloy pa rin si Narcisa sa pagsasalita, “Mula sa preliminary hanggang sa final round, kami pa rin ang magkasama, pero ewan ko kung sinu-sino na yung tatanghalin na mananalo…”

“Narcisa, natutuwa ako sa iyo, asahan mo na ikaw ang tatanghaling magwawagi sa paligsahan” sabi ni Mactan at isang matamis na ngiti ang kanyang iginawad kay Narcisa. “Teka, kalian ba i-aanunsyo yung mga nanalo?” Iinom ng tubig, nananatiling nakatayo at lalakad palapit kay Narcisa.

“Hindi ko pa po alam eh…” sagot ni Narcisa “Haaaay….paano niyo nalaman na ako ang magwawagi sa paligsahan? Eh parang hindi naman eh…”

“Pinapangunahan mo agad eh, kutob mo lang iyon…”

“Ikaw din eh, pinapangunahan mo din,” – pag-iiritang sabi ni Narcisa

“Oo, pinapangunahan ko…pero sigurado ako sa mangyayari” , nananatiling malumanay si Mactan.

Bahagyang yuyuko si Narcisa. Maya-maya`y tatayo ito. Ipapako niya ang kanyang paningin kay Mactan.

“Walang kasiguraduhan kung magwawagi ako o hindi…” aniya.

Bahagyang itataas ni Mactan ang hawak niyang baso at sabay sabing “Eh ako, siguradong sigurado” iinom siya ulit.

Mapapakamot na lang sa ulo si Narcisa.

“Bahala na…”, tatalikod si Narcisa`t maglalakad upang kunin ang kanyang bag sa sofa…

“Ano`ng bahala na?!” –salo ni Mactan “Magtiwala ka sa sarili mo,” nakikiusap niyang tugon.

Napahinto si Narcisa at bahagya siyang haharap sa kanyang kuya, ngingiti ng paunti-unti…para bagang napipilitan siyang ngumiti…sa bagay, tama naman ang kanyang kuya…kung baga, “think positive”…

Nagbuntong-hininga si Mactan, ilalapag ang hawak niyang baso na may laman na tubig sa mesa. Lalapitan niya si Narcisa at aakbayan, tititigan niya ang nakababatang kapatid.

“Balitaan mo ako ha,” nagagalak na sabi niya “para ako ang magsabit ng medal mo sa entablado”

“Eh paano kung…”

“Ay…tsk, tsk…kasasabi ko lang diba?”, mabilis na salo ni Mactan – alam niya kung ano ang idudugtong ni Narcisa kaya siya napasabat, “Ikaw ang magwawagi…”

Si Mactan talaga…napatahimik na lang si Narcisa…idudugtong sana niya na: paano nga kapag hindi siya kabilang sa mga nagwagi sa paligsahan…

Hahalikan ni Mactan si Narcisa sa noo…

-----------------------------------

Mabuti na lang nakaabot si Narcisa sa paaralan sampung minuto bago mag-alas siyete.

Pagpasok niya sa building ng 4th year, may nakita siyang nakapaskil na yellow cartolina sa dingding…pagkalaki-laking sulat ang una niyang nabasa: “Top 3 Tagisan ng Talino sa Filipino IV (FINAL ROUND), Congratulations!”

Naku…heto na…

Babasahin niya pababa…

1st place: Maria Narcisa G. Lorenzo (IV-18)
2nd place: Clara Jane Y. Limbang (IV-15)
3rd place: Shiela B. Mapaca (IV-11)

Oh, talaga?! Ulit…

1st place: Maria Narcisa G. Lorenzo (IV-18)
2nd place: Clara Jane Y. Limbang (IV-15)
3rd place: Shiela B. Mapaca (IV-11)

Mapapakamot na ng ulo si Narcisa…”Teka, teka…naduduling lang ako ah…imposibleng nandiyan ako nakalista sa top 3…” – aniya…

Again…from the top…muli niyang babasahin…

“Top 3 Tagisan ng Talino sa Filipino IV (FINAL ROUND), Congratulations!”

1st place: Maria Narcisa G. Lorenzo (IV-18)
2nd place: Clara Jane Y. Limbang (IV-15)
3rd place: Shiela B. Mapaca (IV-11)

Nanlaki ang mga mata ni Narcisa…”Ahhh!...” ---hindi siya makapaniwala “A----a----a----ako a---ang…a---a---ako ang…”



PANIMULANG SALITA NG MAY-AKDA


This is my first story na isasapubliko ko. Sa katunayan, noong aking kabataan (hanggang ngayon ay tinatagurian pa rin akong “bata” dahil sa aking “height”), mahilig na akong gumawa/gumulat ng kung anu-anong kwento…iba`t ibang genres, may fantasy, tragedy, comedy, drama, action, romance at iba pa. Pero lahat ng kwentong sinusulat ko noon ay hindi natatapos – hindi kasi ako pinapayagang sumulat ng mga kwento, ultimong kahit tula man lang sa `di malamang dahilan, kaya yung mga pinagsusulat ko noon ay naitapon na ng aking tiyahin o yung ibang sulatin naman ay itinapon ng “stepmother” ko. NASAYANG LANG!

Makalipas ang apat na taon, muli akong nakapagsulat ng isa na namang kwento dahil nawaglit sa isipan ko na magsulat muli ng istorya, (mabuti na lang, naalala ko), ito nga yung “KAMPILAN” (Misteryosong Kampilan sa Isla de Mactan) à “accidentally” lang ang pagsulat ko nito, dahil ang plano ko talaga noong una ay isa lamang itong “maikling kwento”. Nasa Cebu ako (kami pala) noong sinulat ko ang “Prologue ng Unang Yugto” ng naturang kwento, at nang maka-uwi na kami sa Maynila, ayun, kung baga…may mga binago ako sa  “Prologue ng Unang Yugto” kasi sobrang bilis nga ng pangyayari sa istorya, walang buhay iyon para sa akin…kung baga draft lang muna yung ginawa ko noon…at napagdesisyonan ko na gawin ko na lang na isa na namang panibagong kwento tulad na ginagawa ko noon pa na TIYAK hindi na matatapon sa BASURAHAN.

Ngayon, palihim akong nagsusulat ng kwentong ito, ultimong mga tula`t sanaysay…wala eh, ito ang isa sa mga nakahiligan ko…minsan, nagsusulat ako sa paaralan (sa mismong silid-aralan kapag walang ginagawa, o sa silid-aklatan kapag bakanteng oras), o sa aming tirahan, ngunit dinideskartehan ko pa rin para hindi makita ng “stepmother” ko ang aking pinagagagawa...(sana `di mahuli muli).

Anne Todio nga po pala, mas kilala sa pangalang ANA…nagkakanlong sa pangalang JOANA MAKABAYAN-JOAQUIN, (Ana Makabayan for short), may screen name na MACTAN_1330 at ANA MACTAN, at gumaganap bilang MARIA NARCISA LORENZO sa kwentong “KAMPILAN”.


ABSTRACT


Kung may kabiguan, may tagumpay…kung may tagumpay, may kabiguan –ganyan ang buhay. Ika nga sa kasabihang: “Ang Buhay Ay Parang Gulong, Minsan Nasa ibabaw, Minsan Nasa Ilalim”. Lahat ng tao, nakakaranas ng mga suliranin sa buhay…natural lang iyon, ngunit dapat itong malutas at malagpasan upang makamit ang inaasam, isa lamang itong pagsubok kung gaano katatag ang isang tao. Lalong kailangang gamitin ang tatag ng puso, sa patupad ng pananagutan sa sarili, sa kapwa/minamahal, at sa pamayanan. Ang simpleng pamumuhay, paano kung biglang magbago? Paano na lang kung biglang dumating ang hindi inaasahang bagay o pangyayari? Para bagang…mga hiwaga…kakaiba…kababalaghang pangyayari…tila hindi maipaliwanag…mga akala, pero nagkakatotoo—ngunit unti-unting nagpagtatanto kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na iyon… Ano kaya ang bumabalot na misteryo sa isang Kampilan na natagpuan sa dalampasigan ng Isla ng Mactan? -- “History Repeat Itself” – totoo kaya ito? O kaya`y mismong mga tao ang nagpapa-ulit sa kasaysayan sanhi ng kasibaan at kasamaan?