Lunes, Setyembre 2, 2013

UNANG YUGTO - KABANATA 2 (Pag-aalala)

Sa study room (silid-aklatan) ng tirahan ni Yolanda naroroon si Narcisa. Nakakalat sa study table ang mga piraso ng intermediate paper para sa kanyang proyekto na Term paper at mga photocopy ng mga pinagkuhanan niya sa mga libro. Nagsusulat siya ng buod mula sa isang sanggunian sa papel. Maya't maya, napapahikab siya – inaantok na kasi…alas diyes na pala ng gabi nang mapatingin siya sa orasan.
May biglang bumukas ng pinto…
“Kuya…” –sambit ni Narcisa na napatigil sa kanyang ginagawa. Si Mactan pala –pumasok siya. Magpapatuloy sa pagsusulat si Narcisa.
“Nandito ka lang pala,” sabi ni Mactan at isasara ang pinto, “kanina pa ako palibut-libot dito sa bahay…hindi ka pa pala natutulog,” –may diin ang kanyang pagkakasabi kay Narcisa.
Napatingin muli si Narcisa sa kanyang kuya at mapapakamot ng ulo, dahan-dahan niyang ililigpit ang mga papel na nakabuyangyang sa mesa…may kutob kasi siya na baka magalit pa si Mactan kapag ipinagpatuloy pa niya ang kanyang ginagawa dahil sa tono ng pananalita nito. Alas diyes na kasi ng gabi at maaga pa ang kanyang pasok sa eskwela…baka mahuli siya sa klase at mapuyat.
Lalapit si Mactan kay Narcisa, tatabi sa gilid bandang kaliwa at tutulungang maglipit ng mga papel na nakakalat sa mesa.
“S'ya nga pala, bakit hindi mo ako inimbita sa recognition mo?”, tanong niya na wari'y nagtatampo.
“Wala naman po kasing sinabi na papapuntahin doon yung guardian eh, at isa pa, hindi ko naman alam na may recognition pang magaganap kanina…basta, pinapunta lang ako sa gym..tapos, ayun…sasabitan daw ako ng medal…” sagot ni Narcisa na nakatutok ang kanyang paningin sa mga hawak niyang papel at patuloy na ililigpit.
“Ah, gano'n ba…” ani ni Mactan habang ipinapatung-patong niya ang mga papel batay sa pagkakasunud-sunod, may mga pahina kasi ang mga intermediate paper para sa Term paper ni Narcisa…unti-unti siyang ngingiti, at:
MACTAN: Sabi ko na nga ba sa 'yo eh, 'wag mong pangungunahan kung hindi ka naman sigurado, dapat laging positibo ang pag-iisip mo.
NARCISA: Haaaaay…sige po…sige po… (INAANTOK NA KASI KAYA IYON NA LAMANG ANG KANYANG NASAGOT, KUMUKURAP-KURAP SIYA)
MACTAN: (UUNGOL) Ikaw ah, magkaroon ka nga ng tiwala sa sarili mo…magagamit mo ang gano'ng ugali kapag makikipagsapalaran ka, dapat lagi kang determinado.
NARCISA: Alam ko naman po 'yun eh, kayak o naman po ginawa 'yun dahil ganito…kapag iniisip ko kasi na magtatagumpay ako, bandang huli –bigo…at kapag iniisip ko na mabibigo ako, sa bandang huli –magtatagumpay. (MAPAPATIGIL SA PAGLILIGPIT NG PAPEL, ILALAPAT ANGKANYANG DALAWANG KAMAY SA MESA AT TITINGIN KAY MACTAN) Bakit po gano'n, baliktad?
MACTAN: (KUKUNIN ANG MGA NAAYOS NA PAPEL KAY NARCISA AT IPAPATONG SA KANYANG NAAYOS NA PAPEL) Cisa, may mga dahilan kasi kung bakit ang ilang bagay o yung pangyayaring gusto mong mangyari sa 'yo, ay sadyang mailap…may mga dahilan din kung bakit nakamit mo ang tagumpay nang'di inaasahan – tulad nu'ng nangyari sa 'yo kanina…pero, hindi ka dapat mag-iisip ng mga dahilan na magpapababa sa sarili mo…yung mga iba mong pangarap, makakamit mo 'yun sa takdang panahon… (ILALAGAY NIYA ANG MGA NAAYOS NA PAPEL SA PLASTIC ENVELOPE NA NASA MESA) Heto nga, tulad ngayon, nagka-medal ka dahil nanalo ka sa paligsahan, malamang may dahilan – hmm..siguro maituturing itong magandang karanasan bago matapos ang haiskul (NGINGITI BAHAGYA) 4th year ka na 'diba? O kaya…pahiwatig na Education ang dapat mong kunin sa Kolehiyo, yung Major in Filipino
Si Narcisa, walang imik, ngunit nakikinig kay Mactan, ipinako niya ang kanyang panigin sa ibaba..tila napagtanto muli niya ang mga bumabagabag sa kanyang isipan, at naaalala niya ito: “Lahat ng bagay, pinaghihirapan bago makamit ang tagumpay” – na madalas niyang naririnig at nababasa…alam talaga niya iyon, nawawaglit lang minsan sa kanyang isipan.
Sa mga huling sinabi ni Mactan…”KOLEHIYO…Education ang dapat (pwede) niyang kunin” – waaaaah! Sa totoo lang, hindi pa nakakapagdesisyon kung anong kurso ang kanyang kukunin…at paaralan na papasukan nito kapag nakatungtong na siya sa Kolehiyo…at sa totoo lang, hindi pa niya alam kung ano ang magiging sitwasyon niya kapag nasa Kolehiyo na siya…alam niyang mas mahirap ito…ay hindi…MORE CHALLENGING pala…
Sorry po kuya,” bumaba ang boses ni Narcisa, “Madami lang siguro akong iniisip, k – kaya gan'on…nasasabi ko yung mga nakapagpapababa sa sarili ko.”
Umiling si Mactan at napabuntong-hininga at ito'y muling ibabaling ang kanyang tingin kay Narcisa, “'Di ba sinabo ko sa 'yo, kapag may problema ka, sabihin mo sa 'kin…lagi naman ako nandito…handang making”, malumanay niyang tugon.
“Ngayon, sabihin mo sa akin ang problema mo,” dagdag pa niya.
Haharap si Narcisa kay Mactan, magsasalita na sana siya, pero –
“Oh!” – sabat ni Mactan sabay manunuro kay Narcisa, “Huwag mong sabihing wala, halata na sa mata mo,
Si Mactan, manghuhula?...alam niya ang problema ni Narcisa: TERM PAPER – kahit hindi pa niya sinasabi, kung baga, naniniguro lang siya upang mapaghandaan kung ano ang kanyang gagawing solusyon.
“Hay naku po…”ani ni Narcisa, at kukunin ang plastic envelope sa mesa na naglalaman ng mga papel niya na kanilang niligpit. Ngingiti ito, “'di bale na po, madali na lang 'to,” –sabay talikod.
CONFIRMED!
Sa bagay, medyo may kahirapang gawin iyon…mayroon na lamang siyang 1 month remaining…dapat ipasa iyon sa itinakdang pesta na binigay ng kanilang guro.
Pastilan…sabi na nga ba,” may diin ngunit mahinahing tugon ni Mactan.
Nakakaisang hakbang pa lang si Narcisa upang lumabas sa study room biglang humawak si Mactan sa kanyang kaliwang braso at siya'y napaharap muli sa mukha nito.Kapagkaraka'y kinuha ni Mactan ang hawak ni Narcisa at ilalapag muli sa mesa, “Iwan mo 'to ah,” aniya, at napahikab –napaluha kaunti dahil inaantok na din ito.
“Hala, hi—hindi ko po pwedeng iwan 'yan, da –dapat matapos ko muna iyang preview draft para –magawa ko na yung –final draft.”, halos nangangatal na tugon ni Narcisa, tila siya'y nabalisa.“Ay, basta…itong preview draft ng Term paper mo, iwan mo.”, salo ni Mactan na nananatiling kalmado, “Ano? Gusto ko magkalinawagan tayo –walang samaan ng loob,”
Naglalaro sa isipan ni Narcisa, kung bakit pinapaiwan ni Mactan ang kanyang preview draft ng kanyang proyekto…sa bagay, halos wala na siyang pahinga dahil dito…halos sumabog na ang utak niya dahil dumagdag pa ang proyektong iyan na 'pinapagawa ng guro…aminadong nahihirapan na ito…kaya, “Ok, fine, iiwan ko na po 'yan…” napakamot siya sa ulo, “nakakabaliw nang gumawa niyan!” –naging iritable na ito, “Nakakabu-ang na! 'Di tulad noong 3rd year, pinagawa din kami ng ganyan, madali lang, eh yang ginagawa naming ngayon, iba ang format kaya medyo nahihirapan kami –sinusunod lang naming yung instruction ni Ma'am…”
“Naiintindihan ko naman kung gaano kahalaga itong Term paper mo, pero 'wag mo naming masyadong i-todo. Talagang nakakabu-ang 'yan…maglaan ka ng oras para makapagpahinga, at isa pa, katulong mo naman ako sa paggawa nito” –siyempre, si Mactan bilang isang “NAKATATANDANG KAPATID”, reponsibilidad niya ang gabayan at tulungan si Narcisa –hindi niya maiiwasang mag-alala…sa bagay, may pagka maaalahanin ito…paano ba naman kasi, wala na sa oras matulog si Narcisa dahil sa Term paper na iyan na proyekto niya sa asignaturang ingles –ayong maaga ang kanyang pasok sa paaralan.
Bahagyang ibinaba ni Narcisa ang kanyang paningin –nanahimik ito.
Ngingiti muli si Mactan at tatawa bahagya, “Oh, ano?” malambing niyang tugon at marahang hahaplusin ang ulo ni Narcisa gamit ang kanyang kanang kamay.
Imbis na magsalita si Narcisa, niyakap na lang niya si Mactan, nananatiling nasa ibabaang paningin nito.
“S'ya nga pala, congrats pala kanina…” –masayang bati ni Mactan.
“Daghang salamat kuyang!” –umaliwalas ang mukha ni Narcisa habang nakayakap sa kanyang kapatid
--------------------------

@ BRGY. SAN JOAQUIN, PASIG…MALAPIT SA BAMBANG BRIDGE…

Alas siyete na nang mapatingin si Narcisa sa kanyang relo…
 “Uhhhh! Late na naman ako!”
Naghihintay ng masasakyang dyip si Narcisa ba may signboard na MARIKINA PALENGKE na dadaan sa kanyang paaralang pinapasukan. (Hindi siya bababa mismo sa Marikina, kundi sa Caniogan –isa sa mga barangay ng Pasig na kung saan, naroroon ang kasalukuyan niyang pinapasukang paaralan, ang Rizal High School…at kung saan, ang Caniogan ay isa sa mga daan patungong Marikina.)
Heto na ang dyip, paparating na…mabilis ang takbo nito…wala pa siyang sakay na pasahero. Bahagyang itinaas ni Narcisa ang kanyang kanang kamay –senyales na “para/sasakay”.

Kaya lang…

Nilagpasan ni mamang tsuper si Narcisa.
Susundan ng tingin ni Narcisa ang dyip…”Hala siya!” –nainis ito.
Huminto ang dyip, sampung metro ang layo mula sa kanyang kinatatayuan…wala ito sa tamang sakayan…ah, si Narcisa, nasa tabi ng signboard na loading and unloading zone. Nakita niya na hinintuan ng dyip ang isang matangkad, balingkinitan, naka-spaghetti at naka-mini skirt na babae na nag-aantay din ng masasakyang dyip—sumakay ito. Nanggalaitin si Narcisa.
“Ha?! Siya?! Pinasakay mo?! Ako hindi?! Ako na nga 'tong late eh…grabe ka manong drayber…namimili ng pasahero!” –halos magwala siya…mapapakamot ng ulo dahil sa inis, bahagyang gumulo ang buhok niya.
Habang nakatingin sa malayo, hindi niya namalayan na may humintong panibagong dyip… (MARIKINA PALENGKE)…
“Cisa!” –tawag ng drayber…
Lumingon si Narcisa.
 --------------------------

Sa tirahan ni Yolanda…
Tutungo si Yolanda sa kwarto ni Mactan –nakasara ang pinto, pinihit niya ang tatangnan ng pinto—naka lock ito.
Mabuti na lang, may susi siyang dala…
Ang daming susi…mga susi sa lahat ng pintuan sa kanyang bahay. Hindi naman siya nalito at nahanap agad ang susi sa kwarto ni Mactan. Ipinasok niya ang susi sa tatangnan ng pinto, at bumukas –tumuloy siya sa kwarto.
Naroroon si Mactan—tulog pa ito, nakakumot at nakatagilid kung matulog: pinagmasdan siya ni Yolanda.
Maya-maya, lumapit si Yolanda at umupo sa gilid ng kama, “Mac-Mac…” –malumanay na pambungad ni Yolanda, “Mac…Mactan…”
Hinipo ni Yolanda ang noo ni Mactan –baka kasi may lagnat na naman ito…sakitin kasi minsan si Mactan at may pagkakataon na basta na lang siya humihiga kapag may nararamdamang hindi maganda.
Nadama ni Mactan ang pagdampi ng palad ni Yolanda sa kanyang noo, siya'y naalimpungatan at dumilat,

YOLANDA: (IAALIS ANG KANYANG KANANG KAMAY SA NOO NI MACTAN) Akala ko, may lagnat ka na naman…
MACTAN: (UUNGOL) Bakit po Mamsi?
YOLANDA: Wala lang…nakakapanibago lang kasi…eh, araw-araw ka naman nagigising ng maaga…

Babangon si Mactan, tatayo si Yolanda…
“Si Maui?...”
“Ay, pumasok na…si Cisa, kaaalis lang.” –salo ni Yolanda.
“Ha?! Kaaalis lang?”, mapapatingin si Mactan sa wall clock ng kanyang kwarto, “Alas siyete na ah,”
“Kaya nga eh…ang hirap niyang gisingin kanina. Naku, late na naman 'yung batang 'yun. Ano ba yung pinagagagawa niya kagabi? Natulog na kasi ako eh, kaya 'di ko alam…”
“Pa'no ba naman po kasi, alas-diyes imedya na natulog, may inasikaso lang po siya sa project niya.”
“Oh, natapos na ba yung project niya?”
“Hindi pa,” tutupiin ni Mactan ang kumot na nakabalumbon sa kama, “tutulungan ko nga s'ya para matapos na.”
Mapapangiti si Yolanda, “Hay, napakamatulungin mo talaga iho…salamat nga pala kagabi,  natulungan mo si Maui sa assignment niya…iyon pa naman ang subject na hirap na hirap s'yang intindihin…*Math…pasensya ka na, marami lang akong ginagawa…”
“Wala po 'yun Mamsi, mabuti, madali lang yung lesson niya ngayon, aminado po ako, mahina din po ako sa *Sipnayan…magpahinga naman kayo, ako naman po ang gagawa sa gawain, lagi naman kayo eh…”
Magtatawanan saglit ang dalawa…(pero seryoso si Mactan)
“Ahhh…Mactan?”
Mapapatingin si Mactan kay Yolanda”.
“Bakit Mamsi?”
“Kailan mo sasabihin ang totoo kay Narcisa na siya ang matagal na nawawala mong tunay na kapatid?”
Ihihinto ni Mactan ang kanyang ginagawa, napabuntong-hininga siya.
“Nay Yolanda…siguro, sa takdang panahon…” –wika nito na parang wala na siya sa mood.
“Mactan, kalian yung takdang panahon na sinasabi mo? Hihintayin mo ba na may ibang tao ang magsabi sa kanya na ikaw ang kapatid niya? Na iniwan mo siya sa simbahan dahil sa kagustuhan ng walang hiya mong ama dahil ayaw niyang magkaroon ng anak na babae at hinayaang may umampon sa kanya?”
Napailing si Mactan, “Hindi ko po alam…hindi ko po alam! Ayoko siyang masaktan, hindi pa ito yung tamang panahon…” –may diin ang kanyang pagkakasabi.
“Karapatan ni Narcisa na malaman ang katotohanan, gaano man kasakit iyon. Hanggang ngayon, bumabagabag pa rin at puno ng mga katanungan ang isipan ni Narcisa kung sino ang tunay niyang pamilya,” sabi ni Yolanda, nananatili siyang kalmado.
“Naiintindihan ko naman si Narcisa, 'Nay…” –bumaba ang boses ni Mactan, “madali lang sabihin sa kanya na: siya ang tunay kong kapatid –dahil madalas niyang sabihin sa 'kin na…sana, ako na lang daw yung naging kapatid niya, malamang matutuwa siya kapag sinabi ko yun sa kanya,” hinagod niya ang kanyang mukha at huminga ng malalim, nabalisa na ito...may sasabihin pa sana siya, ngunit nagsalita agad si Yolanda:
“Mactan, ang mga lihim ng nakaraan ang siyang sagot sa mga katanungan ni Narcisa…hindi ko hahayaan, at hindi mo ring hahayaan na habang buhay ganyan siya, maglalaro sa isipan ng bata kung sino ang pamilya niya…”
Napatahimik si Mactan, balisa ang kanyang pag-iisip…
(May masalimuot na pangyayari ang nananatiling nakaukit sa kanyang alaala, makalipas ang labing tatlong taon...)
Lumapit si Yolanda kay Mactan at hinawakan niya ang magkabilang balikat ng binata, “Alam kong naguguluhan ka, pero mainam pa ring sabihin ang lahat kay Cisa,”
Ipinako ni Mactan ang kanyang paningin kay Yolanda, “Mamsi,” –sabi niya, “Ipinapangako ko na sasabihin ko sa kanya ang lahat…hindi ko naman hahayaang manatiling walang muwang yung bata,” –dama niya ang tindi ng pag-aalala sa kanyang kapatid kapag nabunyag ang lihim ng nakaraan.
“Iho,” –ngumiti si Yolanda, “'wag kang mag-alala, nandito lang ako, ha…kung may problema, o anuman…sabihin mo sa 'kin.”
“Salamat po…”, wika ni Mactan at nagyakapan ang dalawa.
Bumuhaos ang luha mula sa mga mata ni Mactan nang 'di niya namamalayan, hindi siya humikbi…nananatiling tahimik habang kayakap si Yolanda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento