Lunes, Setyembre 2, 2013

UNANG YUGTO - KABANATA 4 (Magkaribal)

Mabentang mabenta ang mga iba't ibang klase ng kakanin ni Aling Marivic na siya at ang kanyang alagang si Joaquin ang nagluto…si Joaquin na dati'y hindi marunong magluto, eh natuto na ito nang turuan siya ni Aling Vic. Katulong niya si Aling Vic sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin kapag madaling araw, at sa pagluluto. Minsan, tumutulong din siya sa pagbebenta…naglalako siya kapag may bakanteng oras.

Ang pwesto ng sari-sari store ni Aling Vic ay nasa mismong tirahan niya sa Villa Hernandez na hindi kalayuan sa tirahan ni Narcisa.

“Ate, pabili po nito,”

“Kuha na 'ko ng isa ah, heto bayad ko…”

“Ate, magkano po ang isa?”

Kapag hapon, mas dinudumog ang kanyang mga paninda, hindi lamang ang kanyang mga kakanin. Oras kasi ng miryenda, karamihan sa mga kinakain ng mga taga-Villa Hernandez ay ang mga sari-saring kakanin ni Aling Vic na pagkasarap-sarap at tiyak na mabubusog ka…sulit ang  mga perang pinambili ng mga tao. Kadalasan, ang mga taga-Villa Munsod (kabilang kalye na sakop pa rin ng Brgy. San Joaquin) ay tumatawid pa sa kalsada upang makapunta sa Villa Hernandez para lang makabili ng kakanin ni Aling Vic.

Maya-maya, ay medyo nahahawi na ang ilang mga bumubili kay Aling Vic. Halos naubos ang mga kakanin niya.

May pumaradang pampasadang dyipni bahagya sa tapat ng kanyang tindahan. Agad pinatay ng drayber ang makina ng sasakyan at bumaba. Duguan ang kanyang kaliwang sentido, at may bahid pa ng dugo ang kanyang manggas ng kanyang damit –si Joaquin ito.

“Oh! Ano'ng nangyari sa 'yo?! Napaano ka na naman?!” –nagulat si Aling Vic nang makita si Joaquin, “Napa-away ka na naman ba, ha?!”

“Nadamay lang po ako…”, tanggi ni Joaquin.

“Hay naku, Diyos ko…Joaquin, tigilan mo na yang pakikipagbasag-ulo mo!”

Samantalang si Maurice, palihim na nakikinig sa dalawa. Galing siya sa eskwelahan at pauwi na ito. Napahinto siya sandal nang makita niya si Joaquin na duguan ang sentido.

“Hindi na maganda 'yan…”, kalmado na si Aling Vic, “Lagi kang napapasabak sa gulo ah,” lalabas na sana siya mula sa loob ng kanyang tindahan, ngunit nauna nang pumasok si Joaquin sa loob.


-------------------------

Tirahan ni Yolanda…

“Napaaway na naman po si Kuya Joaquin…nakita ko, may dugo sa gilid ng ulo niya”, wika ni Maurice (na naka-upo sa sopa, nakasuot pa ng kanyang uniporme, katabi si Mactan.)

MACTAN: (MAPAPATINGIN KAY MAURICE) Na naman?!
MAURICE: Opo…na naman…tanggi pa siya. Nadamay lang daw,
MACTAN: Eh baka nadamay lang talaga…
MAURICE: (KIBIT-BALIKAT)
MACTAN: Wala naman siyang ibang kaaway kundi yung karibal niya.
MAURICE: Ha?! Si kuya Cyril lang?!
MACTAN: Oo. Kasama yung mga pitong tauhan niya.
MAURICE: (TITINGIN KAY MACTAN) 'Di ba siga si kuya Joaquin dito?
MACTAN: Baliktad ka oy, si Joaquin, pag trinato mo siyang kaibigan, siyempre, kaibigan ang turing niya sa 'yo…pero pag pinatulan mo, papatulan ka rin niya. At isa pa, mas siga si Cyril dito sa barangay…nasira na ulo niya. Si Joaquin, iritablelang kay Cyril, kapag inagaw niya ulit si Isabel, malaking gulo na.
MAURICE: (TATANGO) Ahh…
MACTAN: Baka naman kagagawan ni Cyril yun kaya naupakan si Joaquin?
MAURICE: Hindi ko po alam eh, wala naman po akong narinig na pangalan ni Cyril…
MACTAN: (MARAHANG SUSUNTUKIN SA KALIWANG BALIKAT SI MAURICE) Tsismosa ka ah…
MAURICE: (MAG-IINARTE) Hindi ah!

-------------------------

Binuksan ni Narcisa ang pinto ng silid-aralan, naalala niya ang kanyang preview draft ng kanyang Term Paper. Agad niyang binuksan ang ilaw, pumasok at isinara ang pinto. Nakita niya sa mesa ang dalawang nakabukod na intermediate paper. Ang isa, ay medyo makapal, at ang isa naman ay hindi gaanong kakapal. Hindi pa man siya lumalapit sa mesa, alam niya na iyon ang kanyang draft sa kanyang term paper.

Lumapit siya sa mesa, at una niyang tinignan ang unang hanay na hindi gaanong kakapal. Nakita niya sa bawat papel na may mga markang pulang ballpen, senyales na mali ang format o pagkakasulat o kaya ay may kulang. Nanlaki ang mga mata ni Narcisa at hindi makapaniwala na…


“Ang dami ko palang mali…at kulang…hala!” –tinignan niya isa-isa. Halos 20 pirasong papel iyon! “Ano ba 'to…hindi ko man lang napansin na my mga mali pala ako…nakakainis!” –biglang natigilan siya: “Teka…sino'ng gumawa nito?”

Tinignan na naman niya ang ikalawang hanay na medyo makapal. Inisa-isa din niya ito…napansin niya na walang mali ang kanyanng nakita dahil walang anumang palatandaan na mayroong mali o kulang sa bawat papel.

May ilang sulat na…pareho sa kanyang sulat! May gumaya?

My gosh! Sino ang gumaya sa sulat ko?! May ilan dito na hindi ko sulat…ngunit parehong pareho sa sulat ko! Halos buong preview draft ng term paper ko, natapos na!” –pagtataka na may kahalong saya na wika ni Narcisa.

May biglang bumukas ng pinto – “Woooooh! Hirap naman gayahin yung sulat mo!”, napalingon si Narcisa.


-------------------------

Tirahan ni Aling Marivic…sa sala.

Nakaupo sa upuan si Joaquin, malungkot ang mukha nito. May nakatapal nang gasa sa kanyang kaliwang sentido…na kanina ay tila walang tigil ang pagdugo, dahil sa kagagawan ng kanyang karibal sa pag-ibig na si Cyril.

Kaninang hapon, napatigil ang minamanehong dyipni ni Joaquin sa tapat ng isang water station bago umakyat ng tulay (Bambang Bridge) upang bumili ng maiinom na tubig. Pabalik na siya sa Brgy. San Joaquin nang makaramdam siya ng uhaw dahil sa init ng panahon.

“Bababa lang ako saglit,”, ani ni Joaquin sa kanyang  mga natirang pasahero, at bumaba sa dyipni para bumili ng tubig.

Nang makabili na ng tubig, uminom siya…kalahati lang. Babalik na sana siya sa dyip, nang may humawak sa kanyang kaliwang balikat. Lumigon siya, ngunit bahagya lang dahil bigla siyang nasuntok sa kaliwang sentido. Napahiyaw ang ilang pasahero ni Joaquin, at ilang mga taosa daan –nagulat pati ang mga tauhan sa water station. Dahil sa lakas ng pagkakasuntok kay Joaquin, bumagsak siya sa daan, nabitawan ang kanyang biniling tubig.

Nahawakan ni Joaquin ang kanyng kanang sentido, may dugo ito…tumutulo nap ala ang dugo niya sa daan…nanlisik ang mga mata nito at ipinako ang paningin sa sumuntok sa kanya na si Cyril. Hindi alintana ang sakit, mabilis siyang bumangon.

Si Cyril ay tila hindi pa nakuntento. Gamit ang dalawang kamay, hinawakan niya ng mahigpit ang damit ni Joaquin at pilit na itinutok ang mukha nito sa kanya –pawang mga nagngangalit na mata…

“Hayop ka…”

 “Ikaw ang hayop, Joaquin! Napakawalang hiya mo! Hanggang kalian mo ba titigilan si Isabel, ha?!” , agaw ni Cyril.

“Ikaw, hanggang kalian ko bang ipaiintindi sa 'yo na hindi na babalik sa 'yo si Isabel?!” panggagalaitin ni Joaquin (ngunit ang kanyang boses ay hindi gaanong kalakas katulad kay Cyril)

“Tumahimik ka!”

“'Wag mong sabihing inagaw ko si Isabel. Siya mismo ang lumayo sa 'yo, matatandaan mong kaya ka niya iniwan dahil sa mga kawalang hiyaang ginawa mo. At , siya mismo ang lumapit sa 'kin, pinili niya ako bilang kapalit mo.” Tataas ang boses ni Joaquin, “…at hinding hindi ko hahayaang makuha mo pa siya ulit!”

“Hindi ka na talaga nadala!” nabalibag ni Cyril si Joaquin malapit sa poste ng Meralco

Si Joaquin, napa-upo sa daan.

May hinugot si Cyril mula sa kanyang likuran…isang baril. Agad niya itong kinasa at itinutok kay Joaquin.

“Hoy, Cyril! Mag-isip-isip ka nga muna bago mo akong pasabugan!”

Nang biglang…

“Cyril Tagle!”

Lumingon si Cyril, ngunit nakatutok pa rin ang hawak niyang baril kay Joaquin.

Samantalang si Joaquin, katabi niya ang isang uri ng bakal. Ah, mabuti ito! Dahil ito ang ipanghahataw niya sa karibal niya. Hahawakan niya ang bakal at dahan-dahan siya bumangon.

Isang barangay tanod pala ang tumawag kay Cyril –may hawak itong batuta na nakatutok sa kanya, “Ibaba mo yang baril mo!”

Hindi inasahan ni Cyril na may sumugod na alagad ng batas…may nakapagsumbong agad? Sino kaya? Siya pa naman ang wanted sa Barangay San Joaquin…isa sa mga wanted sa Pasig. Ah! Nainis si Cyril:

“Wala kang panama! Baril ako, ikaw, batuta ka lang!”

“Ah! Loko ka ah!” –napikon ang tanod.

Ibabaling uilt ni Cyril ang kanyang paningin kay Joaquin, ngunit…nahampas siya ng bakal sa likod, sa mukha at sa binti –at siya naman ang nahandusay sa daan…namilipit ito sa sakit ngunit hawak pa niya ang baril.

Pinagmasdan ni Joaquin si Cyril, tiniyak na hindi na siya makakabangon.

“Kuya! Sumakay ka na, dali!” sabi ng isa sa mga pasahero ni Joaquin.

Mukhang nakalimot si Joaquin na may pasahero pa pala siya…agad niyang binitawan ang bakal, at dali-daling pumasok sad yip. Medyo matulin ang kanyang pagmamaheho kahit nahihilo habang paakyat ng tulay, pero pinipilit niya ang kanyang sarili na huwag bibigay.

“Grabe kuya, napaka walang hiya nu'n ah!” sabi ng isang pasahero.

“Oo, matagal na siyang walang hiya…tuluyan nang nasiraan ang ulo niya.” –matapang na wika nito.

Umupo si Aling Vic sa tabi ni Joaquin, “Anak, huwag kang masyadong mapusok, kaya ka napapaaway niyan eh,” pag-aalala niya.

“'Pinagtanggol ko lang yung sarili ko. Kaya naman ako napuruhan dahil siya naman talaga ang nauna.”

“Anak, kahit na. ayan tuloy, ikaw na ang pinupuntirya ni Cyril,”

Tumayo si Joaquin, sabay wikang, “Nararapat ko lang siyang gantihan. Nababaliw lang iyon, dahil iniwan siya ng girlfriend niya.” Haharap kay Aling Vic, “Ako ang sinisisi niya…wala naman akong ginawang masama…siya nga 'tong may ginawa.”

-------------------------

“Kuya Mactan?!” –parang nakakita ng multo si Narcisa. “Ahhhm..ikaw po ang may gawa nito?!”

“Kung hindi ko pa inasikaso 'yan, malamang, ibabalik 'yan sa 'yo ng teacher mo para ayusin ulit dahil ang daming mali sa preview draft mo.”

 Hindi makapagsalita si Narcisa…ilang gabi na niya pinagpupuyatan ang project niya, tapos may mga mali pa?! hindi niya ito napansin sa una…pero ngayon, napagtanto na niya. (NARCISA: Kamot-ulo style…)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento